SHOWBIZ: Spongebob, Nagsalita na Tungkol sa Theme Park sa Coron: "Kasalanan ni Mr. Krabs"
BIKINI BOTTOM, Pacific Ocean — Nagsalita na ang pinakasikat na dilawan na sponge sa buong karagatan, si Spongebob Squarepants, tungkol sa napipintong theme park na itatayo ng Nickelodeon sa Coron Palawan.
Sa eksklusibong panayam ng The Filipino Garlic sa batikang fry cook at jelly fisher na si Spongebob Squarepants, itinanggi nitong may kinalaman siya sa desisyon ng Department of Tourism (DOT) upang ikasa na ang underwater theme park sa Coron.
Matatandaang excited diumano ang DOT sa pagtatayo ng theme park sa Palawan dahil magdudulot ito ng paglago sa turismo.
“The DOT is aware of the planned Coral World Park in Coron. From a tourism perspective, the DOT is excited about the idea because this would attract both local and foreign tourists,” pahayag ng DOT.
"Sana po maintindihan ng mga fans ko sa Pilipinas na hindi po talaga kami ng matalik kong kaibigan na si Patrick Star ang may pakana ng theme park sa Palawan," ani Spongebob habang ginigrill ang ilang Krabby Patty gamit ang kanyang spatula.
Ayon pa kay Spongebob, ayaw talaga niyang madamage ang mga corals na nasa Coron dahil mahal niya ang lahat ng nilalang sa karagatan.
"Napapalibutan po ang aking Pineapple ng mga corals. May ilan din po akong alagang corals. Sana po huwag namang madamage ang mga corals ng Palawan," aniya habang umiiyak sa harap ng grill.
"Opo. Kasalanan po talaga ito ni Mr. Krabs. Marami daw pong pagkakakitaan sa Palawan kung may theme park doon," dagdag ni Spongebob.
Matatandaang si Mr. Krabs ang bossing ng Krusty Krab, isang sikat na fastfood chain sa Bikini Bottom at mahilig siya sa pera. Plano diumano ni Mr. Krabs na pagkakitaan ang mga Pilipino, kung saan sikat na sikat ang naturang fastfood chain.
"Marami daw po kasing 'Works at Krusty Krab' sa mga Facebook profile ng mga jejemon," dagdag ni Spongebob. —The Filipino Garlic
Sa eksklusibong panayam ng The Filipino Garlic sa batikang fry cook at jelly fisher na si Spongebob Squarepants, itinanggi nitong may kinalaman siya sa desisyon ng Department of Tourism (DOT) upang ikasa na ang underwater theme park sa Coron.
Matatandaang excited diumano ang DOT sa pagtatayo ng theme park sa Palawan dahil magdudulot ito ng paglago sa turismo.
“The DOT is aware of the planned Coral World Park in Coron. From a tourism perspective, the DOT is excited about the idea because this would attract both local and foreign tourists,” pahayag ng DOT.
Protektahan ang corals
Bagaman nirerespeto umano ni Spongebob ang desisyon ng Nickeledeon at DOT, nasasaktan daw siya sa mga nakikita niyang posters at memes na gamit ang kanyang mga litrato."Sana po maintindihan ng mga fans ko sa Pilipinas na hindi po talaga kami ng matalik kong kaibigan na si Patrick Star ang may pakana ng theme park sa Palawan," ani Spongebob habang ginigrill ang ilang Krabby Patty gamit ang kanyang spatula.
Ayon pa kay Spongebob, ayaw talaga niyang madamage ang mga corals na nasa Coron dahil mahal niya ang lahat ng nilalang sa karagatan.
"Napapalibutan po ang aking Pineapple ng mga corals. May ilan din po akong alagang corals. Sana po huwag namang madamage ang mga corals ng Palawan," aniya habang umiiyak sa harap ng grill.
Spongebob habang kinakapanayam ng The Filipino Garlic. |
Kasalanan ni Mr. Krabs
Nang tinanong ng The Filipino Garlic kung sino ang may pakana ng theme park sa Coron, inamin nitong ang kanyang boss na si Eugene H. Krabs, na mas kilala bilang Mr. Krabs, ang tunay na may pakana ng theme park sa Palawan."Opo. Kasalanan po talaga ito ni Mr. Krabs. Marami daw pong pagkakakitaan sa Palawan kung may theme park doon," dagdag ni Spongebob.
Eugene Harold Krabs file photo. |
"Marami daw po kasing 'Works at Krusty Krab' sa mga Facebook profile ng mga jejemon," dagdag ni Spongebob. —The Filipino Garlic
This article is a satire.
No comments: